Why New Zealand


Year 2003, nag-attempt kami mag-apply sa Canada. Nag-research lang kami sa internet at asked advise from some friends na nag-aaply din. Almost complete na yung docs namin, kaya lang kulang na kulang pa yung "show-money". That time less than P300k ata, hindi ko na masyadong matandaan. Try kami umutang, na hindi naman natuloy, so try na lang kami mag-ipon. Medyo ok naman yung work namin mag-asawa pero matatagalan pa talaga umabot sa requirement yung ipon namin. In short, never kami naka-abot sa required "show-money". On hold muna ang aming pangarap. Yung iba kong friends natuloy na, at ngayong 2008 ay maayos naman ang mga work nila at may mga sarili na ring bahay. Nahirapan sila nung una, meron din daw mga tao dun na nag-discriminate. Lahat naman ata ganun.

Year 2004, nag-apply ako ng IT work sa Singapore pero wala akong makuha, kung meron man, hindi kami magkasundo sa sweldo.

Year 2005, meron akong mga friends na nag-apply naman sa Australia. Ganun ulit, research muna kami. Kaya lang first step pa lang, medyo malaki na ang investment, eto nga yung application fees. At meron din silang parang NZQA, sa kanila naman yung organization na related sa work experience mo ang mag-assess. Meron ding babayaran. We have to pick, continue saving for Canada or use the money for Australia. We chose to continue saving for Canada. In short, hindi na namin itinuloy yung Australia.

Year 2006, both of us got a job in the US. Pumunta dito direct yung employer and hired kami mag-asawa, we're both in IT. Ang kulang nalang ay H1B visa, that we have apply the following year. So nag-comply kami sa fees, medicals, docs.

Year 2007, our employer sent the visa application but due to the large number of applicants that exceeded the quota, US had to do a lottery of the slots available. In short, pareho kaming hindi naka-sama ng asawa ko. Buti nalang na-renf namin yung fees. Syempre yung medicals no refund. Sayang talaga kase may work na kami at relocation assisstance pa yung company. They said that they will still offer a job and we can try again for the 2008 quota. Pero hindi pa rin sure yun, dahil baka madami ulit applicants, and US had to resort to lottery again.

Mid 2007, we discovered NZ thru my husband's relative. Hindi daw ganun kalaki ang application fees, pero meron ding proof of funds sa dulo. Nag-kwento siya ng mga magagandang experience ng iba nyang officemates dati na nasa NZ na, at meron din daw mga not so good experiences, especially when looking for work. Nag-research kami ulit and then we decided to apply EOI online. Ang true enough, hindi naman sobrang laki ng fee sa EOI. Pero nagulat nalang kami ng i-require pa ako mag NZQA kahit nasa LRQ, because of claiming bonus points sa skills shortage. Sana nga hindi nalang ako nag claim ng bonus points, mahal ang QAR. Bale 2 kaming nagpa-QAR. Yung husband ko naman wala sa LRQ yung school nya.

Year 2008, lahat ng steps sa application pinag-pray namin. At sobrang tuwa namin, nakapag-pass na kami ng ITA. Naubos man ang bonus namin sa payment ng medicals, ang laki ng kita sa amin ng isang accredited clinic, konti nalang natitira sa savings. Pero ok na rin kase staggard naman yung mga bayarin sa application. Waiting kami ngayon sa interview kay FW, so baka next year pa yun... hehehe...

Iniisip ko nga, bakit ba gusto pa namin mag migrate? Hindi naman kami kinakapos dito, dahil ok naman pareho work namin sa IT. Maraming bagay ang nag-convince sa akin sa NZ, lalo na ang subsidized education ng mga bata. Dito sa Pinas, kung gusto ko mag-aral sa exclusive school yung magiging anak namin, siguro more than P50k a year ang tuition, gradeschool pa lang yun, I'm not sure. Dito, ang laki ng income tax at VAT, pero nasaan yung mga ito? Yun nga simpleng bako-bakong daan hindi maayos, paano pa kaya yung mas malalaking issues, na ayoko na pong banggitin. Sa NZ, malaki din ang tax, may GST din, pero I still have yet to see kung saan napupunta. May iba pa kaming personal reasons why we want to migrate. At meron tayong lahat...

Meron akong mga kilalang (sa forum lang) Americans who are in NZ, yung iba naman still in the process. Pareho lang din ang reklamo nila sa process ng SMC, yung NZQA, yung medicals, yung police clearance nga nila parang 1 month bago makuha. At yung iba sa kanila, hirap din maghanap ng work. Yung iba naman may work agad. Yung iba WTR, yung iba straight PR din. Meron din naman after 2 yrs PR, he wants to go back sa US, ayaw na nya sa NZ. Andami nyang hinahanap na wala naman sa NZ.

Ang sa akin lang, mag-try lang kami sa NZ. Baka mas maging ok ang pamilya namin. Since ako ang principal applicant, baka mauna ako para maghanap ng work na pang-PR. Kung papayag din ang current job ko na mag leave without pay, ganun lang muna. At syempre sa lahat ng panahon, ipinag-pray namin lahat at naniniwala ako dapat gawin ko din ang best ko.

Subok lang. Kung hindi matutuloy ito lahat, at least masasabi kong I did my best and there are things that are not meant to be. Hindi umubra ang Canada, Singapore, Australia at US sa akin, tignan natin kung magiging ok ang NZ.